^

Dr. Love

Gustong magbagong buhay

-

Dear Dr. Love,

Good day po sa inyo!

Isa po akong masugid na tagasubaybay ng inyong column at tulad ng ibang nabasa ko nang letter senders, bilib po ako sa mga payo ninyo.

Tawagin mo na lang akong Marie Dizon ng Labo, Camarines Norte. Tatlumpong taon na akong may asawa at isang anak.

Dr. Love, payuhan mo po ako sa aking magulong love life. Siyam na taon na po kaming kasal ng aking mister at sa panahong ito, dadalawa pa lang ang pagkakataong nagkaroon siya ng trabaho.

 Ang problema ko, nakatira lang kami sa aking biyanan na siyang nagpupuno ng lahat na pagkukulang ng mister ko. Lahat ng pangangailangan namin, sa magulang niya iniaasa dahil wala nga siyang trabaho. Ang masaklap pa, walang nang trabaho, nagbibisyo pa at ubod ng seloso.

Sa tuwing siya ay malalasing, palaging ako ang napagbabalingan at sinasaktan. Paulit-ulit niya akong ginagawang punching bag. Paulit-ulit din akong lumalayas kasama ang anak namin. Pero hindi ko naman matiis na hindi sumama pabalik sa biyanan ko kapag sinusundo na niya ako sa aking mga magulang.

Hindi ko kasi alam kung saan kukuha ng pangsustento sa aming anak at wala naman akong alam na trabaho. Hindi ako tapos sa pag-aaral dahil mahirap lang ang mga magulang ko. Kung hindi kakayod, hindi kakain

Pero dumarating din ang sukdulan ng pagmamartir. Minsan sa muling pagseselos, napagdiskitahan na naman ako ng aking asawa.

Puro pasa ang aking katawan sa bugbog.

Dr. Love, gusto ko na pong magtrabaho. Ang isang suliranin, wala akong puhunan para makapagtayo ng munting karinderya.

 Gusto ko na rin pong magbagong-buhay. Habang tumatagal ang aming pagsasama, umaasim ang aming samahan dahil sa aming kalagayan sa buhay.

Payuhan mo po ako.

Marie Dizon

Labo, Camarines Norte

 

Dear Marie,

Kay tagal mo ring nagtiis bago magpasyang magbagong-buhay. Ang hindi ko lang maintindihan, ano ang ibig mong sabihin sa pagbabagong buhay? Nais mo na bang makipaghiwalay sa asawa?

Siguro, makabubuting kausapin mo ang iyong asawa at maging ang iyong biyanan. Sabihin mo ang plano mo para makita kung ano ang magi­ging reaksiyon ng iyong asawa. Sabihin mong nais mong magkatulungan kayong dalawa sa pagtatayo ng karinderya dahil hindi habang panahon ay dapat kayong umasa sa iyong biyanan. Puwede kang humiram ng puhunan sa biyanan mo at ito naman ay babayaran ninyong mag-asawa.

Bigyan mo pa ng isang pagkakataon ang iyong asawa. Pero sa pagkakakatong itong, magtakda ka ng iyong mga kondisyon. Sakaling wala pa rin siyang pagbabago, panahaon na siguro para ang kapakanan naman ninyong mag-ina ang iyon tutukan at sikaping paunlarin.

Huwag mong kalimutan ang magdasal at hingin ang patnubay ng Lumikha sa bawat plano mo sa buhay. Hangad ng pitak na ito na matamo mo na ang kaligayahan sa buhay.

Dr. Love

 

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

AKO

AKONG

ASAWA

CAMARINES NORTE

DEAR MARIE

DR. LOVE

LABO

MARIE DIZON

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with