Dear Dr. Love,
Isang pinagpalang pagbati sa iyo Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Thessa, 20-anyos.
Nagkaroon ako ng karelasyon. Siya ang una kong pag-ibig pero hindi normal ang relasyong ito. Isa kasi siyang tomboy.
Tatlong taon din ang itinagal ng aming relasyon. Naisipan kong kusang makipagkalas sa kanya dahil sa pagbabasa ko ng Bible, na-convict ako na mali ang ganoong relasyon na babae sa kapwa babae. Ako’y naging born-again Christian.
Nakilala ko sa aking church ang aking boyfriend ngayon. Tawagin mo na lang siyang Bruce.
Dalawang buwan na kami. Pero madalas akong guluhin ng dati kong lover na tomboy. Ipapapatay daw niya ang boyfriend ko kapag hindi ako nagbalik sa kanya.
Sinabi ko ito sa boyfriend ko pero hindi raw siya natatakot dahil ang Diyos ang kanyang protector. Pero ayaw akong tantanan ng tomboy.
Ano ang gagawin ko?
Thessa
Dear Thessa,
Ang pinakamabuting gawin ay una – ipa-blotter mo sa pulis ang kanyang banta. Huwag mong buburahin ang text niya dahil ebidensya iyan. Kung tutuusin, base pa lang sa text messages ay maaari mo na siyang ihabla ng grave threat.
Pangalawa, sabihan mo ang boyfriend mo na doblehin ang pag-iingat at iwasang lumakad nang nag-iisa at huwag magpapagabi.
Tama lang ang ginawa mong pakikipagkalas at hindi ko na ipaliliwanag kung bakit dahil alam mo na, na ito’y salungat sa kalooban ng Diyos.
Tama ang boyfriend mo na kung kakampi niya ang Diyos, walang masamang makagagalaw sa kanya.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph.)