^

Dr. Love

Ang pagpapatawad

-

Dear Dr. Love,

Sana po mabasa n’yo ang liham kong ito at matulungan po ninyo ako sa aking problema.

Ako po ay 32 taong gulang. Mag-isa ko pong tinataguyod ang aking pamilya dahil walang trabaho ang aking mister. Kami po ay 7 taon nang nagsasama.

Pero sa kabila po ng mga sakripisyo ko at pag­h­ihirap para sa kanila, nagawa pa n’yang mambabae. Nalaman ko po ang kanilang relasyon sa tulong ng isang kaibigan. Hiniwalayan po n’ya ang kanyang kerida at ‘di na nagkita kailan man.

Pinagsisihan po n’ya ang kanyang ginawa at pilit na binubuo ang pamilya namin. Buong akala ko po, napatawad ko na sya. Pero sa tuwing nag-aaway kami pinapamukha ko sa kanya ang kanyang mga ginawa.

Hindi ko po matanggap na ginawa n’ya sa akin ang ganung bagay dahil naging sobrang faithful po ako sa kanya. Hindi ko malimutan ang sakit at pagod ng isipan na idinulot sa akin ng ginawa n’ya.

Nawawalan po ako ng gana sa pagsasama namin ngayon. Mahal ko po s’ya pero parang hindi na worth na mahalin s’ya. Ano po ang gagawin ko? Paano po ba mag-move on sa ganitong experience sa buhay?  Sana po ma­bigyan n’yo rin ako ng payo. Maraming salamat­ po and more power!

Ysel

 

Dear Ysel,

Kung magpatawad ang Diyos ay ganap. Sabi sa Bible “God doesn’t keep a record of wrong.” Hindi na inaalala pa ang nakaraan. Ibig ng Diyos­ na ganyan din tayo kung magpatawad. Kung manalangin tayo, sinasabi nating: “Forgive our sins as we forgive those who sinned against us.”

Kung nais ninyong mag-asawa na maging maayos ang inyong pagsasama alang-alang sa inyong mga anak, magkasundo kayo. Huwag na niyang uulitin pa ang dating pagkakamali at huwag mo nang uungkatin pa ang madilim na nakaraan na iyong pinatawad na.

Kung hindi, walang mabuting kahihinatnan ang inyong relasyon. Kapag nagpatawad ka, huwag mo nang ilitanya ang record ng kanyang pagkakamali.

Dr. Love

ANO

BUONG

DEAR YSEL

DIYOS

DR. LOVE

HINIWALAYAN

HUWAG

PERO

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with