^

Dr. Love

Umibig sa third sex

-

Dear Dr. Love,

Isa pong taos-pusong pagbati sa inyong lahat. Sana maging masaya ang inyong Pasko.

Kabilang po ako sa masusugid na tagasubaybay ng inyong column, kaya nagkainteres din akong lumiham at ilahad ang karanasan ko sa buhay bago ako naging isang inmate dito sa pambansang piitan.

Maaga po akong naulila at sa poder ng Lola ko ako lumaki at nagkaisip. Bagaman hindi ako pinabayaan ng lola ko, iba pa rin ang mayroong mga magulang na kinalakihan. Parang mas mayroon kang seguridad

Ginusto kong makapagtrabaho agad para makatulong sa lola ko. Natanggap naman ako sa isang bar sa Sta. Mesa bilang bar tender. Dito ko nakilala si Manuel Pacia. Madalas ang pagpunta niya sa bar. Madalas din niya akong bigyan ng kung anu-anong regalo bilang pasasalamat daw sa aking serbisyo.

Hindi ko naman iyon binigyan ng ibang kahulugan. Isang gabi malapit na ang closing time, lumapit sa akin si Manny at humingi ng pabor na ihatid ko raw siya sa kanyang condo. Pumayag naman ako sa pag-aakalang masama ang kanyang pakiramdam. Pero pagdating namin doon, kaagad siyang naglabas ng alak at mag-inuman daw kami. Dahil hindi naman ako sanay sa inuman, kaagad akong nahilo at nakatulog sa pagkalasing.

Nang magising ako, magkatabi na kami ni Manny sa kama. Iyon na ang pinagsimulan ng aming magandang pagsasama. Nahulog ang loob ko kay Manny kahit siya isang gay. Mabait, maalaga at maunawain siya. Uhaw ako sa pagmamahal kung kaya’t si Manny ang nagpuno ng kakulangang ito sa aking buhay.

Sayang nga lang at nawalan kaagad ako ng soulmate. Nasaksak kasi at namatay si Manny nang minsang hinarang kami ng mga halang ang kaluluwa. Lumaban ako sa mga nang-ambush sa amin. Pero nagtakbuhan sila nang masaksak at bumagsak sa lupa ang kaibigan ko. Masakit mawalan ng isang totoong nagmamahal sa iyo. Naibunton ko ang mapait na karanasan sa paggamit ng droga. Kaya heto ako, nakakulong nang maaresto sa isang buy bust operation ng mga awtoridad.

Dito sa bilangguan, pilit kong itinatanong sa sarili kung normal  ba sa isang tulad ko ang umibig sa isang gay? Tulungan mo po akong makalimot. At hiling ko rin po na magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.

Maraming salamat po at more power.

Lubos na umaasa,

Michael Anthony Javier Jr.

MSC Student Dorm 239

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Michael,

Magkakaiba kasi ang konsiderasyon ng bawat tao kaugnay sa pagmamahal. Marahil sa kaso, ang kakulangan mo sa pagmamahal ang nagdulot para mahulog ang iyong loob sa taong nag-uukol nito sa iyo, si Manny na nagkataon naman na isang gay.

Bagaman dalawang kasarian lamang ang inihayag sa bibliya, kung ang pagmamahal naman na tinutukoy mo ay tapat at walang halong pananamantala, sa palagay ko normal ito.

Nakakalungkot nga lamang dahil ang ka­lungkutan mo sa pagkawala ng isang kaibi­gang minahal ay nagresulta sa pagkawindang ng iyong buhay.

Gayunman, hindi pa naman huli ang lahat. Tulungan mo ang iyong sarili na magpa­kabuti diyan sa loob at ibaling ang iyong oras sa higit na kapakipakinabang na bagay. Mag-aral ka d’yan bilang panimulang paghahanda sa muling­ pagharap sa lipunan.

Samahan mo rin ng dasal ang bawat plano mo para matamo ang gabay na kinakailangan. Hangad ng column na ito na makatagpo ka ng maraming kaibigan.

Dr. Love

AKO

BAGAMAN

CAMP SAMPAGUITA

DEAR MICHAEL

DITO

DR. LOVE

ISANG

MADALAS

MANUEL PACIA

MICHAEL ANTHONY JAVIER JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with