^

Dr. Love

Hindi ako bakla

-

Dear Dr. Love,

Pleasant greetings to you. Tawagin mo na lang akong Pol, 21 anyos at binata pa. Nag-aaral ako ng chemical engineering sa isang pamantasan dito sa Maynila.

Napagkakamalan po akong bading dahil sa mga kilos ko pero sa totoo lang, hindi pa ako na-iinlove sa kapwa ko lalaki.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang galaw ko at pati mismong kaanak ko ay sinasabing bakla ako.

Nagkaroon na nga ako ng doubt sa aking kasarian hanggang sa makilala ko si Joyce. Naging close kami at nakipag-close rin siya sa akin dahil siguro akala niyang “eva” rin ako.

Unti-unti’y nakakaramdam ako na gusto ko siya. Sa unang pagkakataon ay napatunayan kong hindi ako bakla kundi lalaki.

Kaso nahihiya akong magtapat at baka ako mabigo. Ano ang gagawin ko?

Pol

Dear Pol,

Paano mong malalaman kung mahal ka niya na hindi ka nagtatapat? Basta lakasan mo ang loob mo dahil wala namang mawawala sa iyo kung isisiwalat mo ang iyong nadarama sa isang babae.

Huwag mo siyang biglain kundi sabihin mo muna na sa kabila ng mga ikinikilos mo ay hindi ka naaatrak sa kapwa lalaki.

Maraming tunay na lalaking katulad mo at sila’y naging successful family man. Kaya huwag kang matatakot because you have nothing to lose but everything to gain.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

 

AKO

ANO

DEAR POL

DR. LOVE

HUWAG

KASO

KAYA

LIBANGAN SECTION

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with