^

Dr. Love

Matandang dalaga

-

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako sa inyo ng isang mainit na pangungumusta at nawa’y lagi kayong malayo sa karamdaman at sakuna.

Tawagin niyo na lamang akong Lorna, 51 anyos at isang public school teacher. Marahil, dahil sa aking bokasyon bilang tagahubog ng mga kabataan ay nakaligtaan ko ang mag-asawa.

Dalawa ang naging boyfriend ko noong bata pa ako. Pero hindi nila ako mayayang mag-date dahil subsob ang ulo ko sa trabaho.

Dahil dito’y iniwan nila ako at nagpasya na lang akong manatiling single at gugulin ang aking panahon sa pagtuturo. Passion ko ito Dr. Love.

Hanggang makilala ko si Redentor, 67 anyos ang apo’y isa sa mga pupils ko. Biyudo siya.   Si Redentor ang nagsisilbing magulang ng bata na ang ama’t ina ay parehong nasa Canada.

Kahit matanda na ay matikas pa si Redentor. Nanligaw siya sa akin at sinagot ko siya. May nagsasabi sa akin na hindi maganda ang aming relasyon dahil matanda na kami. May nagsasabi naman na okay lang basta ikaliligaya ng aming puso.

Alam kong di na kami magkakaanak sa edad namin pero companionship na lang ang habol namin. Ano sa tingin ninyo ang aming relasyon? Tama o mali?

Lorna

Dear Lorna,

Kahit 100 taon na ang gulang niyo ay walang mali sa pag-iibigan ninyo dahil pareho kayong single.

Hindi lang naman pagkakaanak ang layon ng pag-aasawa. Diyos ang nagsabi na hindi mainam mag-isa ang lalaki kaya nilikha ang babae.

Sa panahon ng inyong katandaan ay kailangan ninyo ang isa’t isa. Go for it.

Dr. Love

ALAM

ANO

BIYUDO

BUMABATI

DEAR LORNA

DR. LOVE

KAHIT

LORNA

REDENTOR

SI REDENTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with