^

Dr. Love

Lihim na relasyon

-

Dear Dr. Love,

Isang masaganang pangungumusta.

Gusto ko po ibahagi ang aking karanasan sa pag-ibig at magsilbing outlet na rin ang inyong column para mabawasan ang sama ng aking loob.

Dati akong nagtatrabaho sa pabrika. Sa kalaunan ay ginawa na akong kanang kamay ng aking among lalaki.

Nagbago ang lahat nang mabisto niyang may relasyon kami ng kaniyang anak na dalaga. Tinanggal ako sa trabaho at hindi na pinayagang makita pa ang kanilang anak. Pero ang mas masaklap, pinaglaruan lang pala ako ng anak ng aking amo. Dahil nagsilbi lang pala akong panakipbutas sakaling hindi siya tuluyan ng nagsilbing decoy sa aming relasyon. 

Dahil sa kabiguan, natuto akong magbisyo na nagtulak sa akin sa bilangguan.      Marami pong salamat sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Christopher Francisco

Celda 136 Bldg. 1

CAMP SAMPAGUITA

Muntinlupa City 1776

Dear Christopher,

Sa halip na nakasira, ginamit mo sana para lalong magsikap sa buhay at patunayan na pang­hihinayangan nila ang isang katulad mo.

Pagbutihin mo na lang ang iyong sarili dyan sa loob para makalaya ka agad. Ilapit mo ang sarili mo sa Diyos para mailayo ka sa lahat ng masama. Sa takdang panahon, matatagpuan mo rin ang babae na nararapat sa tapat mong pag-ibig. Good luck sa iyo.

Dr. Love 

vuukle comment

CELDA

CHRISTOPHER FRANCISCO

DAHIL

DATI

DEAR CHRISTOPHER

DIYOS

DR. LOVE

ILAPIT

ISANG

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with