Bawal na pag-ibig

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at sa mga bumubuo ng NGAYON. Ako po ay si Rose, 28 years old at tubong Negros.

Gusto ko lang pong ibahagi sa inyo ang aking nakaraan. Nagka-borfriend po ako dati, na inakala kong siya na habang buhay. Pero nakabuntis po siya, kaya nagpakasal po sila.

Pinatawad ko na po ang boyfriend ko at kusang lumayo. Sa pinapasukang restaurant, nagka-boyfriend uli ako, ipinaglaban ko po siya ng sobra pero naiwan din akong luhaan. Dahil nakasal din siya. Plinano daw ng mga magulang niya at ex-girlfriend. Sinabing buntis pero later on hindi naman pala.

Masakit Dr. Love but I need to accept the fact na hindi talaga sila para sa’kin. Lumipat po ako ng ibang trabaho para makaiwas na rin. At that time po na nagmo-move on ako, nagkaroon po kami ng communication thru text ng ex-supervisor ko, mabait po siya at nahulog ang loob namin sa isa’t isa. Nagkaroon kami ng sikretong relasyon, dahil pamilyado siya.

Pero hindi ko po maatim na makasira ng pamilya kaya nang magkaroon ng opportunity abroad ay kinuha ko agad. Nakipaghiwalay ako ng maayos sa kanya.

Andito po ako ngayon sa Hong Kong, priority ang pamilya ko at the same time to move on and start a new life.

Dr. Love gusto ko pong magkaroon sana ng kaibigan, thru net mail at sana maging daan po kayo.

Salamat po sa inyo and Godbless!!!

Gumagalang,

Rose-Negros Occ. rhwsy@yahoo.com

Dear Rose,

Maraming salamat sa ibinahagi mong kasaysayan ng pag-ibig. Pagdating sa pag-ibig marami ang nagkakamali.

Palibhasa’y lubhang mandaraya ang puso at ‘di natin namamalayan na gumagawa na tayo ng isang bagay na ating pagsisisihan balang araw.

Sana’y naging aral ito sa iba nating tagasubaybay. Hangad ko rin na sa pamamagitan ng kolum na ito ay makahanap ka ng lalaking tunay na karapatdapat sa iyo.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph.)

Show comments