^

Dr. Love

Ex ang ka-text

-

Dear Dr. Love,

Isang malugod na pagbati sa’yo Dr. Love. Tawagin n’yo na lang po ako sa pangalang Mr. Virgo, 23 years old. Nagka-girlfriend po ako at nagkaroon kami ng anak.

Hindi po kami nagsasama pero itinu­turing ko na siyang asawa dahil may anak kami. Pinagbawalan ko siyang makipag-textmate. Dahil gusto ko na matutukan niya ang pag-aalaga sa aming anak. Pero hindi niya ako sinusunod.

Nitong huli, ang malalang pagtatalo namin ay tungkol din dun. Dahil ex niya ang ka-text niya at nagsisinungaling siya sa akin.

Nakakaramdam po ako ng threat sa aming relasyon. Hindi ko inugali ang mag­selos pero naka­kakita ako ng dahilan sa mga ginagawa niya kaya hindi ko maba­lewala ang pakiramdam na ‘to.

Dahil sa nangyari, inilalayo na niya ang anak namin kahit na sustentado ko ang bata. Nagalit po ang mga magulang ko, kaya sinabi ko na tuwing may okasyon na lang din ako magsusustento dahil hindi ko man lang mahawakan ang anak ko.

Dr. Love tulungan po ninyo ako. May karapatan din naman po ako sa bata, di ba?

Mr. Virgo

Dear Mr. Virgo,

Kahit anak mo ang bata, hindi naman kayo kasal ng nobya mo, magkaroon man kayo ng kaso, sa babae pa rin ibibigay ng korte ang pag-aalaga ng bata. Pinaka­ma­inam ay pag-usapan ninyo ng mabuti ang inyong relasyon dahil walang higit na apek­tado kundi ang inyong anak.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

ANAK

DAHIL

DR. LOVE

LIBANGAN SECTION

MR. VIRGO

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with