^

Dr. Love

Maagang nag-asawa

-

Dear Dr. Love,

Isang magandang araw po sa iyo at sa iyong pamilya lalo na sa buong staff ng NGAYON. Tawagin na lamang po ninyo akong Libra Boy, 33 years old.

Edad 18 po ako nang mag-asawa at 19 naman ang aking napangasawa. Tutol po ang ina ng aking asawa sa aming relasyon kaya gumagawa siya ng paraan para magka­ka­hiwakay kami.

Akala ko hindi matitinag ang aming relasyon, pero nagkamali ako dahil iniwan ako ng aking asawa at sinabing hindi naman daw niya ako talagang mahal. Masakit pero kahit na kasal kami, pinalaya ko siya.

Ngayon nabalitaan kong may 5 anak na siya sa kanyang kinakasama habang ako ay nag-iisa pa rin. Dr. Love, nais ko pong makilala si Che, na lumiham sa inyo noong Agosto 25, 2010. Narito po aking e-mail address jorge pahilanga [email protected].

Maraming salamat po sa iyo Dr. Love.

Libra Boy

Dear Libra Boy,

Marami talagang kaso ng early marriage ang nawawasak sa dakong huli. Kaya hindi advi­sable para kanino man na mag-asawa ng napakaaga. Dahil ito’y nagiging padalus-dalos na desisyon.

Pero nangyari na iyan at dapat kang mag-move on dahil hindi dapat tumigil ang inog ng daigdig para sa iyo. Sana’y makatagpo ka ng babaeng mamahalin at magmamahal din sa iyo.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@ philstar.net.ph.)

AGOSTO

DAHIL

DEAR LIBRA BOY

DR. LOVE

EDAD

ISANG

LIBANGAN SECTION

LIBRA BOY

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with