Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo Dr. Love. Ako po si Leny ng Bacolod. Gusto ko pong humingi ng payo tungkol sa aking magulong love life.
Nagkaroon ako ng boyfriend, sa loob ng 4 at kalahating taon na relasyon namin ay faithful ako sa kanya. Pero ang masaklap po ay madalas kaming nag-aaway dahil sa pagdududa niya at pagseselos ng walang dahilan.
Sa bawat pag-aaway, nararamdaman ko na nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya nito lang April ay nakipaghiwalay ako sa kanya. Ilang buwan ang lumipas may nanligaw sa akin, marami kaming something in common pero hindi pa ako nag-commit sa kanya.
Dr. Love, nagi-guilty po ako kasi until now ‘yung boyfriend ko ng 4 years laging naglalasing at kinukonsensiya po ako ng pamilya ko.
I don’t have any commitment yet for both of them. Naguguluhan po talaga ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayaw ko pong magkamali, Dr. Love...please help me.
Gumagalang,
Leny
Dear Leny,
Naguguluhan ka kung sino ang pipiliin mo? Puwes, ibase mo ang pagpili sa existence ng pagmamahal. Sino sa kanila ang tunay mong mahal? Ikaw lang ang makakasagot niyan.
Kasi posibleng do’n sa dating boyfriend mo ay naaawa ka lang dahil laging naglalasing. Iisipin mo rin siyempre ang consequence kung babalikan mo siya.
Papaano na kung magpakasal kayo tapos balik siya sa dating ugaling possessive at sobrang seloso, eh di habang-buhay na kalbaryo para sa iyo.
Ikaw lang ang puwedeng mag-decide sa sarili mo Leny.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph.)