^

Dr. Love

Lutasin o layasan ang problema?

-

Dr. Love

Magandang araw po sa inyo!

Humahanga po ako sa inyong mga binibigay ng payo. First timer po ako sa column n’yo. Kaya po ako sumulat ay para humingi ng tulong sa pamamagitan ng mga payo ninyo.

Ako po ay 25 years old at kasalukuyan na nagtatrabaho sa isang construction office. May boyfriend po ako, siya ay 32 years old, at nagtatrabaho sa Ortigas.

Ang problema ko sa kanya ay ‘yung ka-textmate niya at ex-gf niya. Tawagin na lang po natin sa pangalang “Ana” ‘yung ka-textmate niya at “Tina” ‘yung ex-gf niya. Lihim po siyang nakikipagkita dito. Samantalang si “Tina” na may anak at asawa na, ay natuklasan ko naman na may komunikasyon pa pala sila.

Ok lang naman po ang tungkol sa mga ito kung magiging transparent lang po sana ang boyfriend ko. Umiiwas po siyang pag-usapan namin ang tungkol dito. Hindi ko rin po alam kung bakit hanggang ngayon ay may komunikasyon pa sila ng ex niya, para saan at anu pa?

Ano po ang gagawin ko? Sana matulungan ninyo po ako.

Maraming salamat po. God Bless You.

Ms. Alias

Dear Ms. Alias

Walang ibang makalulutas sa problema ninyo kundi kayong dalawa. Keep an open line of communication. Sabi nga, walang problemang hindi napa-plantsa sa pamamagitan ng mabu­ting pag-uusap.

Kung hindi pa rin siya magbago, ikaw na ang magpasya kung dapat mo bang putulin ang relasyon mo sa kanya o hindi. Sikaping malutas ang problema at kung talagang walang kalutasan, layasan ang problema.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DR. LOVE

GOD BLESS YOU

HUMAHANGA

KAYA

LIHIM

MAGANDANG

MS. ALIAS

TINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with