^

Dr. Love

Problema ng single mom

-

Dear Dr. Love,

I am a single mother with a daughter with me and my son to his dad. My ex-husband has been never with me from the past 10 years since we got married in Civil Ceremony from the past 13 years.

In short po, sumakabilang-bahay na at hindi ko alam kung saang lupalop andun ngayon. Balita ko may anak na siya sa babae niya.

Ngayon po meron akong nakilalang foreigner­ na nasa U.S. at willing akong pakasalan. He wants to marry me and told me he loves me more than himself. His words are sincere that I can’t resist not to accept his offer. Single, no kids and settled.

Pero ang problema po hindi pa niya alam ang tungkol sa akin na single mom ako. Kasi naman noong nag-usap kami hindi niya tinanong ang tungkol dito.

Tinanong lang niya ko from my past and I just clearly say I got 2 men in my life. Wala akong intensyon na lokohin siya pero mahal ko rin siya. Ayaw ko siyang mawala kaya hindi ko pa sinasabi sa kanya ang katotohanan. Hangga’t hindi kami nagme-meet personally­.

He is more a British dahil dun siya tumira pero Indian national siya and open minded pero natatakot akong sabihin ang totoo sa status ko dahil ayaw ko siyang mawala sa buhay ko.

Ano po ang dapat kong gawin? Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo.

All he knows ay nakilala niya ako sa isang ads at nag-chat kami, nagkakitaan kami sa webcam. Lagi na kaming nag-uusap almost 6 months now at gusto niya magpakasal kami sa December. Pumayag naman po ako. I have file my annulment lately na sana umabot this December.

God bless.

Regards,

Janet from Pasig City

Dear Janet,

Simple lang ang problema mo. It is just a matter of telling your fiancé na may anak ka.

Kaso, sa tingin ko’y natatakot kang mag­tapat at baka umatras siya. Huwag kang mag-alala. Kung mas mahal ka niya kaysa sarili niya, hindi niya aalintanain kahit isan-dosena pa ang anak mo.

Mas mabuti na habang maaga’y wala kang lihim na itinatago dahil magiging malaking problema iyan habang nagtatagal.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

                                                                                                                                               

ANO

CIVIL CEREMONY

DEAR JANET

DR. LOVE

NIYA

PASIG CITY

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with