Gustong magka-girlfriend

Dear Dr. Love,

Isang masagang pangungumusta. Isa po ako sa libu-libong inmates dito sa pambansang bilangguan na tagasubaybay ng malaganap ninyong column, Dr. Love. Nais ko rin po humingi ng tulong para magkaroon ng kaibigang babae o soulmate kaya na magpapakasal sa akin sa alinmang simbahan.

Sa totoo lang po Dr. Love, sa edad kong 38-anyos, hindi ko pa nararanasang magmahal at mahalin. Mabait naman po ako.

Nakulong lang ako dahil sa maling bintang. Wala po kasi akong kakayahang pinansiyal para lumaban sa kaso. Ang dalangin ko na lang po na ang taong nag-akusa sa akin at nagdemanda ay matauhan na biktima lang ako ng intriga.

Elementary graduate lang po ako, kaya sana’y maunawaan n’yo ang liham ko.

Sana po sa pamamagitan ng pitak n’yo ay matupad ang pangarap ko. Hindi po ako partikular sa panlabas na anyo. Magandang kalooban po ang hanap ko.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy ninyong tagumpay.

Lubos na gumagalang,

Louie Montenegro

Dorm 4 D-2

Dear Louie,

Hindi simpleng kahilingan ang maghanap ng nobya. Pero dahil matiim ang pagnanais mong magkaroon ng babaeng kaibigan o girlfriend, tinatawagan ng pansin ng pitak na ito ang lahat ng eligible na mambabasa na makipagkilala sa iyo at bigyan ka ng inspirasyon sa buhay.

Sana sa mga liliham sa iyo, makatagpo ka ng babaeng makakatuwang mo sa buhay. Good luck sa iyo at hangad ko ang katuparan ng pangarap mo.

Dr. Love

Show comments