^

Dr. Love

Tatlong taong abandonado

-

Dear Dr. Love,

Malugod na pagbati sa inyo, Dr. Love at sa lahat ninyong kasamahan sa PSN.

Tatlong taon na akong nakabilanggo, abandonado ng asawang humanap ng iba at nangungulila sa dalawang anak.

Isa akong ex-military man. Pero nakulong ako dahil sa hindi naiwasang pagkakapatay sa isang tao. Malungkot ang buhay ko sa loob, walang dumadalaw para alamin ang kalagayan ko. Wala na po akong ibang malapitan para gumaan ang aking pakiramdam.

Ang nais ko pong pabor na hingin sa inyo ay magkaroon ako ng kaibigan sa panulat na makapagbibigay sa akin ng panibagong pag-asa sa buhay.

Sana po Dr. Love, kayo ang maging daan para hindi mabigo ang aking pangarap.

Maraming salamat po at more power to you.

Gumagalang,

Pol Tatel

I-C YRC, Student Dorm

Medium Security Compound

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

 

Dear Pol,

Maraming salamat sa liham mo at nawa’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagbasa mo ng lathalaing ito.

Nakalulungkot mabatid na ang isang tulad mong sundalo ay mabilanggo.

Ang maipapayo lang ng pitak na ito, sana ay lagi kang maging mapagtimpi sa damdamin para makaiwas sa mga hindi inaasahang pangyayari na hahadlang sa pagsasakatuparan mo ng mga mithiin sa buhay.

Matiim mong pagsisihan ang kasalanang nagawa at alam kong diringgin ng Diyos ang iyong hinaing.

Hangad ng pitak na ito na makatagpo ka ng kaibigang makapagbibigay sa’yo ng pag-asa at makapapawi sa iyong kalungkutan.

Dr. Love

CAMP SAMPAGUITA

DEAR POL

DIYOS

DR. LOVE

GUMAGALANG

MARAMING

MEDIUM SECURITY COMPOUND

MUNTINLUPA CITY

POL TATEL

STUDENT DORM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with