Problema ang nanay

Dear Dr. Love,

Ako po si Gem, isang ginang na 28 years old. Siyam kaming magkakapatid at ako ang pang-apat. Sa murang edad ay nagtrabaho na ako sa kagustuhang maka­tulong sa pamilya.

Gusto ko mailayo ang mga kapatid ko sa magulong buhay namin. Lasengga ang nanay ko habang ang tatay ko naman ay sobrang bait, walang nagagawa.

Lahat ginawa ko, Dr. Love dahil mahal na mahal ko ang aking pamilya. Pinapa­tayuan ko sila ng bahay, binigyan ng negosyo, binilhan ng mga gamit.

Kahit ngayon na may asawa na ako, tuloy pa rin ang pagtulong ko. Nauuna­waan naman ito ng mapagmahal kong asawa.

Ang napakasakit po Dr. Love, sa kabila ng lahat nagawa pang kunin ng nanay ko ang mga alahas ko at sinangla. Ang mga naipundar kong gamit nila ay pinag­bebenta.

Nabuntis ang isang kapatid ko at ang iba naman ay pawang bagsak sa school. Nasasaktan po ako, Dr. Love dahil nabale­wala lahat ng pagsisikap ko. 

Please po Dr. Love, I need your advice about my situation. What should I do? Sorry po sa long story ko.

Thank you so much and God bless you always!

Gem

Dear Gem,

Umiiral sa iyo ang puso ng isang anak. Kaya kahit may asawa ka na, pinuprob­lema mo pa rin ang problema ng isa pang pamilya.

Actually, nanay mo lang ang ugat ng problema. Tingin ko, she needs professional help. Hindi na siya normal sa ikini­kilos niya.

Kung tutuusin, kahit ina mo siya, ‘yung ginawa niyang pagkuha ng iyong mga alahas ay isang pagnanakaw at puwede mo siyang idemanda. Pero siyempre, ang ina ay ina, mabuti man siya o masama.

Pero ang mabuti’y isangguni mo siya sa isang psychologist o psychiatrist dahil ang ikinikilos niya ay hindi gawa ng taong may normal na kaisipan.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar. net.ph.)

Show comments