^

Dr. Love

Pera o pamilya?

-

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang “Teresa” isang nurse sa Saudi Arabia. Maganda ang sahod ko dito na malaking tulong sa aming pamilya. Ang mister ko ay nagtatrabaho rin dito, empleyado ng isang pampamahalaang ospital. Narito ako nga­yon sa bansa para sa isang paid vacation leave.

Ang problema ko po ay ang lumalayong kalooban ng aking mga anak sa akin dahil sa tagal ng panahong ipinamalagi ko sa abroad. Mas malapit sila sa kanilang lola na siyang kumakalinga sa kanila.

Pinagsisikapan kong mapunan ang panahong wala ako sa kanila dahil mga teenager na sila ngayon. Masakit ding malaman na ang mister ko ay may kinahuhumalingang ibang babae. Ang sabi ng anak kong lalaki, hindi na bale daw na bumalik kami sa puro pagtitipid basta bumalik na lang ako at dito na uli magtrabaho. Naguguluhan ako. Nahahati na ngayon ang isip ko sa dalawang isyu: pera ba o pamilya ang dapat kong unahin?

Salamat po sa pang-unawa ninyo at sana, matanggap ko agad ang payo ninyo.

Sincerely,

Teresa ng Quezon City

Dear Teresa,

Hindi lahat nang makapagpapaligaya sa tao ay salapi. Marami ka nga nito pero ang pinaglalaanan mo lumalayo naman ang kalooban sa isa’t isa, wala ring kuwenta ang pinaghihirapan mong pera.

Total, ilang taon ka rin namang nagtrabaho sa abroad, seguro may naipon ka na, na maipagsisimula ng mapagkakakitaan dito katulong ang mister mo.

Sundin mo ang dikta ng puso mo. Mas importante ba sa iyo ang material na pangangailangan o ang pangangailangan sa iyo ng asawa at anak mo?

Good luck.

Dr. Love

DEAR TERESA

DR. LOVE

ITAGO

MAGANDA

MARAMI

MASAKIT

NAGUGULUHAN

QUEZON CITY

SAUDI ARABIA

TERESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with