^

Dr. Love

Huwag matakot sa sumpa

-

Dear Dr. Love,

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Lia. Ako po ay kasalukuyang nasa ibang bansa upang mag-aral sa kolehiyo. Sa Pilipinas ako nag-high school.

Hindi naman sa pagmamayabang kasi, isa ako sa mga popular sa aming paaralan kung kaya’t marami-rami rin ang humahanga sa akin. Kabilang na si Jonathan, ang aking classmate. Hindi siya ang tipo kong lalaki, maliit, maputi at hindi siya mahilig makipag-usap.

Pero lagi n’ya sinasabi sa kaibigan ko na crush n’ya ako at maganda daw ako. Deadma lang ako. Nung nagkolehiyo na kami, (nagkolehiyo ako sa ‘Pinas ng isang semester) pareho kami ng pina­sukang university. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa nalaman ko na nanliligaw na siya sa kaibigan ko, wala pa rin akong naramdaman kahit ano.

‘Pag alis ko patungong ibang bansa, naging aktibo ako sa mga networking sites gaya ng friendster at facebook at du’n nakita ko ulit si Jonathan. Naging close kami kahit papaano at nalaman kong may girlfriend na siya. May problema siya, hindi na niya mahal ‘yung girlfriend niya dahil simula pa lang daw ay alam niya na ako talaga ang gusto niya.

Nalaman nung babae na nag-uusap kami at nag-email sa akin ng masasakit na salita. Nagka­hiwalay ang dalawa at ngayon ay kami na ni Jonathan. Pero kahit na break na sila nung naging kami, parang may mabigat sa dibdib ko, parang nag-guilty ako at natatakot. Natatakot ako dahil isinumpa niya kami ni Jonathan, isinumpa niya na hindi daw kami magiging masaya. Dr. Love, ano pong dapat kong gawin?

Lia

 

Dear Lia,

Huwag kang matakot sa sumpa dahil wala ka namang atraso sa taong nagsumpa sa iyo. Masama lang ang loob niya dahil iniwanan siya ng nobyo at ipinagpalit sa iba.

Hindi naman sila kasal kaya sa mata ng Dios at tao, wala kayong kasalanang ginawa. Kaya iwaksi mo ang guilty feelings mo at ipagdasal mo na lang ang ex-girlfriend ni Jonathan na sana’y maliwanagan ang isip.

Dapat mo lang tiyakin sa sarili mo na mahal mo talaga si Jonathan dahil nasabi mo na noong araw, hindi mo siya type. Bakit biglang-bigla ang pagbabago ng iyong isip?

‘Yun lang at pagpalain ka lagi ng Dios sa iyong kinaroroonan.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar.net.ph.)

AKO

DEAR LIA

DIOS

DR. LOVE

KAMI

LANG

LIA

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with