Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo at sa tanggapan ng PSN Libangan. Isa ako sa tagahanga ng mga payo ninyo. Tawagin ninyo na lang akong Ron, 35 years old na OFW. Noong nasa Saudi pa ako ay niloko ako ng aking asawa.
Sumama siya sa ibang lalaki sa kabila ng magandang communication namin. Wala akong kaalam-alam na lumalabas siya mag-isa.
Hanggang magsama na sila ng lalaki niya. Hindi ko pinaalam ang pagbakasyon ko kaya nalaman ko ang lahat.
Wala na akong magagawa kasi hindi na siya nagpakita, mabuti hindi pa kami kasal noon. Kaya binuhos ko na lang ang oras ko sa pag-aabroad.
Natatakot na akong umibig muli at masaktan. Sa ngayon, nasa lugar ako na mga lalaki ang kasama sa trabaho kaya mahirap makahanap ng isa pang pag-ibig at kapag nagbakasyon naman ako ay sandali lang.
Kung may magnanais sumulat sa akin pakibigay nalang po ang email address ko.
Maraming salamat,
Ron
rons55523@yahoo.com
Dear Ron.
Tama ka. Mabuti’t hindi pa kayo ikinakasal ng babaeng iyong kinasama at itinuring na asawa.
Ang pangangaliwa ng sino man sa babae o lalaki ay dala madalas ng pangungulila dahil sila’y nagkakawalay nang matagal.
Kaya para sa akin, hindi advisable na mag-abroad ang isa maliban na lang kung isasama ang isa. Hindi dapat papaglayuin ang mag-asawa dahil madadarang sa tukso. Sana ay matupad ni President-elect Noynoy ang pangakong pararamihin ang quality jobs sa bansa para di na kailangang mag-abroad pa ang mga kababayan natin.
Buweno, ilalathala ko ang email address mo at sana’y matagpuan mo na si Miss Right.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@philstar.net.ph.)