Dalawa ang inuuwian

Dear Dr. Love, 

Magandang araw sa inyo. Problema ko ang asawa ko meron siyang babae at sa nga­yon ay magkasama sila. May oras siya kung kailan siya pu­punta sa kanyang babae at uuwi sa akin.

Sinabi ko sa kanya na mamili na siya kung sino sa aming dalawa ang mahal niya. At ta­tang­gapin ko anuman ang kanyang pasya.

Tinanong ko rin siya kung mahal niya ba talaga ako. Ang sagot niya ay hindi na niya ako uuwian kung hindi na niya ako mahal. Balak niyang magsama sila ng babae hang­gang anim na buwan para daw makilala niya ang ugali nito.

Ano po ang maipapayo ninyo sa akin? Minsan kasi parang gusto ko siyang iwanan dahil sa mga pinaggagawa niya. Ako po ay 27-anyos pa lamang at kami ay may dala­wang anak.

Thanks,

Sagittarius

 

Dear Ms. Sagittarius,

Madalas kabilang sa mga pagsubok na pinag­daraan ng mga mag-asawa ang pag­kakaroon ng third party. Subalit ang pana­natili sa ganitong sitwasyon ay hindi maka­katulong sa paglago ng isang pamilya, sa halip malaki ang tsansang masira ito.

Huwag ka muna basta su­muko gawin mo ang lahat para mabago ang paniniwala ng iyong asawa.

Kausapin mo siya ng masinsinan. Sikapin mong gawin ito nang may buong pani­niwala na mababago ang lahat para na rin sa kapakanan ng inyong dalawang anak. 

Dr. Love

Show comments