^

Dr. Love

Babaero

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa iyo, Dr. Love. Sana’y nasa mabuti kang kalagayan. Payuhan mo ako sa aking problema.

Seventeen years na kaming mag-asawa at hindi ko magawang iwan ang husband ko. Dahil mahal na mahal ko siya. Ang problema ko sa husband ko ay isa siyang babaero. Limang beses na niyang ginawa. Tatlong babae ang mga anak namin. 

Sana payuhan mo ako kung anong gagawin ko sa problema ko Dr. Love. Hanggang dito na lang. Asahan ko ang payo mo. Salamat.

Libra Girl

Dear Libra Girl,

Very common ang problema mo. Sabi ng iba, talagang ganyan daw ang kalikasan ng lalaki: Babaero. Maling kaisipan ito. Babae man o lalaki ang mangaliwa ay parehong kasalanan iyan at hindi dapat kunsintihin.

Pero may mga dahilan kung bakit nanga­ngaliwa ang asawa. Ikaw ba’y nag-aayos ng sarili para mabango ka pagdating ng mister mo? Malambing ka ba sa kanya? Kung oo, dapat kayong mag-usap para malinawan mo kung ano ang inaayawan niya sa iyo.

Mahalaga ang komunikasyon sa mag-asawa para makapag-adjust sa isa’t isa.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

ASAHAN

BABAERO

DAHIL

DEAR LIBRA GIRL

DR. LOVE

LIBRA GIRL

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with