^

Dr. Love

Ayaw patawarin ng mga kaibigan

-

Dear Dr. Love,

Maganda at masayang pagbati sa inyo. Sana mapansin ninyo ang aking liham.

Tawagin ninyo na lang po akong Mr. Cute. May dalawang taon na po kami magkakaibigan. Kasi ngayon po ay hindi kami nagpapansinan kahit kami ay magkasalubungan.

Kasi po akala ko po tapos na ‘yung issue na nangyari sa aming barkadahan. Hindi pa po pala. Ilang beses na po akong nag-sorry kaya lang hindi pa nila tinatanggap.

Minsan naiisip ko tuloy na iwanan na lang sila at maghanap ng tunay na mga kaibigan. Pero hindi ko po kaya. Mahalaga po sila sa akin kahit po sa pagtulog hindi ko sila kayang makalimutan.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Thanks and God bless.

Mr. Cute

Dear Mr. Cute,

Hindi ko alam kung ano ang isyu na pinag-awayan ninyong magkaka-tropa. Ano man iyon, sa palagay ko’y maselan dahil kung ordinaryo lang, madaling magpatawad.

Mayroon ka bang inagawan ng siyota sa katropa mo? O kaya’y may siniraan ka ba sa kanila na naging dahilan ng matinding consequence sa sino man sa kanila? Ayaw kong manghula pero talagang wala akong makitang dahilan kung bakit hindi ka mapa­patawad ng tropa sa ordinayong pagkakasala.

Anyway, sinabi mong ilang ulit ka nang nag-sorry pero ayaw ka pa ring patawarin. Puwes, nagawa mo na ang dapat gawin. Leave everything to God at sa kabila ng hindi nila pagpansin sa iyo, gawan mo pa rin sila ng mabuti whenever you can.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar.net.ph.)

vuukle comment

ANO

AYAW

DR. LOVE

ILANG

KASI

MR. CUTE

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

THANKS AND GOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with