^

Dr. Love

Isa pang chance para lumigaya

-

Dear Dr. Love,

Warm greetings to you.

Ako po si Jonas Climaco, 32 years old, isa sa mga masugid na tagahanga ng inyong column.

Bago ako nakulong, nagtatrabaho ako sa isang Chinese restaurant sa Binondo at may girlfriend na tawagin na lamang nating Carla. Gumuho ang iniingatan kong pagmamahal kay Carla nang ipagtapat niya sa akin na may nauna siyang boyfriend at malapit na silang magpakasal. Napalitan ito ng galit dahil pinaglaruan niya ang puso ko. Nakipagkalas ako sa kanya.

Mula noon, nagpasya na rin ako na hindi na iibig muli. Para makalimot, iginumon ko ang sarili sa alak, sa droga hanggang tuluyang mapabayaan ang sarili at ituring baliw ng marami. Balewala sa akin ang pamamato ng iba pero hindi ko napalampas nang pagbalingan ng pananakit sa akin ang tatay ko na sumaway sa kanila. Sa galit, napatay ko ang isa nang saksakin ng basag na bote sa leeg.

Ngayon, may tatlong taon na ang nabubuno ko. Sa nagdaang panahong ito, nagbalik-loob ako sa Panginoon at nangunguna ngayon sa pangangaral dito.

Ang dalangin ko po sa Panginoon ay isa pang pagkakataong lumigaya. Nais ko pong makatagpo ng babaeng magmamahal at uunawa sa akin. Tulungan po ninyo ako Dr. Love, na magkaroon ng mga kaibigan sa panulat. Alam ko po na hindi ninyo ito ipagkakait sa akin.

Salamat po at may our Lord bless you always.

Gumagalang,

Jonas Climaco

Dorm C MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Jonas,

Sana’y magtuluy-tuloy na ang iyong pagbabago dyan sa loob. Tandaan mo na laging handa ang Panginoon para magbigay ng bagong pagkakataon sa mga tunay na nagsisisi, humihingi ng tawad at isinasabuhay ito.

Humingi ka rin ng tawad sa binalewala mong mga magulang.

Mabait ang Diyos at tiyak na may itinakda siya para sa iyo. Hindi ka Niya pababayaan.

Dr. Love 

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

CAMP SAMPAGUITA

CARLA

DEAR JONAS

DORM C

DR. LOVE

JONAS CLIMACO

MUNTINLUPA CITY

PANGINOON

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with