Isinuko ang virginity

Dear Dr. Love,

Warm greetings!

Ako po si Jazmin. Araw-araw ko po inaabangan ang inyong column dahil sa inyong magagandang payo. Nais ko rin po na pagpayuhan ninyo ako. May bf po ako dati pero ngayon naghiwalay na kami matapos makuha ang pagkadalaga ko. Natatakot na po akong magka-bf uli dahil hindi na po ako virgin dahil ipinagkaloob ko na sa bf ko dati.

Naniwala kasi ako sa sinabi ng ex-bf ko. Sabi niya mahal niya ako at pakakasalan sakaling may mangyari sa amin kaya nagtiwala naman po ako. Hindi siya naging tapat dahil iniwan pa rin nya ako.

Sa ngayon po natatakot na akong magmahal muli. Ano’ng gagawin ko?

Gumagalang,

Jazmin

Dear Jazmin,

Wala nang paraan para maibalik ang nasira mong pagkadalaga. Charge it to experience at huwag ka na uling madarapa sa dating pagkakamali.

Ang tanging magagawa mo ngayon ay maghintay sa isang lalaking tatanggap sa iyong kalagayan. Kung mahal ka ng lalaki, kahit sino ka pa at kahit may madilim ka pang kahapon ay hindi na niya iyan pahahalagahan. Ang importante ay mahal ka niya.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website pro­ject specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. -Dr. Love

Show comments