Dear Dr. Love,
Thank you for a wonderful column na katulad ng Dr. Love. Matagal na kong nagbabasa ng kolum ninyo at ngayon lang nagpasyang lumiham dahil sa isang problema.
Just call me Sam, 25-anyos. Problema ko, Dr. Love ang boyfriend ko na sunud-sunuran sa nanay niya. Nag-iisang anak siya.
Nagustuhan ko ang boyfriend ko sa pagiging mature niya hanggang madiskubre ko na Mama’s boy pala siya.
Nagpaplano na kaming pakasal pero ngayon pa lang gusto ng nanay niya ay sa bahay nila kami tumira. Tutol ako dito dahil kaya naman naming bumukod.
Nag-aalala tuloy ako Dr. Love, na maging kontrabida sa pagsasama namin ang aking magiging biyenan.
Sam
Dear Sam,
Sinasabi sa Salita ng Diyos na ang mag-asawa ay dapat humiwalay sa mga magulang para magsama bilang iisang laman. Try convin¬cing your boyfriend na bumukod kayo kapag kayo’y kasal na. Maraming problema kapag nakipisan ang mag-asawa sa magulang.
Totoo iyan.
Pag-usapan ninyong mabuti ng boyfriend mo ang isyung iyan. Kapag ang anak ay nasa wastong gulang na, ang tungkulin lang ng mga magu-lang ay magpayo at ang huling desisyon ay nasa anak.
Dr. Love