^

Dr. Love

Marupok na pangako

-

Dear Dr. Love,

Warm greetings na kasing init ng panahong dala ng El Niño!

Ako po si Eddie Agaton, 37 years old mula sa lalawigan ng Batangas.

Nasa pambansang piitan po ako ngayon dahil napatay ko ang nagtangkang humalay sa asawa ko, pinsan niya.

Nangyari po ang lahat sa loob mismo ng aming tahanan. Wala po akong pinagsisisihan sa nangyari dahil ipinag­tanggol ko lamang ang aking asawa.

Ngunit ang masaklap, hindi na napanghawakan ng aking misis ang pangakong maghihintay sa paglaya ko. Parang bata akong umiiyak sa harap niya nang dalawin at sabihin mayroon na siyang kinakasama at may dinadala na sa kanyang sinapupunan.

Gumuho ang aking mundo Dr. Love nang mapiit dahil mabibigo na akong matupad ang mga pangarap para sa aking pamilya, pero higit pa pala dito ang kahihitnan ng lahat dahil naging marupok ang aking kabiyak.

May isa po kaming anak, maaari ko po bang kunin ang bata sa sandaling lumaya na ako? Sa palagay n’yo po ba, Dr. Love may magmamahal pa sa akin pagkaraang mabilanggo?

Sa ngayon po, nag-aaral ako dito para paunlarin ang sarili at paghandaan ang inaasam kong muling paglaya sa hinaharap.

Salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham ko at more power.

Sincerely,

Eddie Agaton

Student Dorm

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Eddie,

Hindi pa huli ang pagbabago at lalong hindi pa huli para makatagpo ng babaeng mamahalin mo at magmamahal sa iyo ng lubos.

May karapatan kang bisitahin ang iyong anak at kung malaya ka na, puwede mong ipitisyon sa korte na ikaw ang magkaroon ng karapatang magpalaki at mag-aruga sa bata.

Sikapin mo ang makalaya agad at magkaroon ng pagka­kakitaan para magawa mo ang lahat ng ito at muling maisaayos ang buhay ninyong mag-ama.

Dr. Love

BATANGAS

CAMP SAMPAGUITA

DEAR EDDIE

DR. LOVE

EDDIE AGATON

EL NI

GUMUHO

MUNTINLUPA CITY

NANGYARI

STUDENT DORM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with