^

Dr. Love

Piniling kamuhian ng nobya

-

Dr. Love,

Ako po si Eduardo Hinabe, 24 taong gulang na nakapiit ngayon sa pambansang bilangguan. Laking­ ampunan po ako at hindi kilala ang aking mga magulang.

Sa ampunan naging kababata ko si Crystal na naging espesyal sa buhay ko. Nagkalayo kami nang may umampon na sa kanya. High school na nang muli kaming magkaroon ng komunikasyon. At nang magkita, nauwi sa pagtatalik dulot ng labis na pananabik.

Mataas ang pangarap ni Crystal at nabago niya ang kanyang kapalaran. Nag-aral siya sa Canada at may maganda nang buhay. Nang ipabatid niyang malapit na siyang bumalik, ninais kong sumu­nod sa kanya. Para magawa ito, nangde­lihen­siya ako ng pera. Sumama sa grupo ng holda­per na naging mitsa para sapitin ang kalagayan ko ngayon.

Wala na akong mukhang maihaharap kay Crystal, kaya nang malaman kong nakabalik na siya. Ipinasabi ko na may asawa na ako para magbago ang pagtingin niya sa akin. Pero hindi siya naniwala kaya napilitang i-set up ang sarili para datnan niyang may kaulayaw nang sa gayon ay tuluyan na niya akong kalimutan. Isinumpa niya ako. Napakasakit sa akin nang nangyari pero ayaw kong madamay pa siya sa kabiguan ko.

Pilit ko pong binabago ngayon ang buhay ko. Tulungan po sana ninyo ako na magkaroon ng mga kaibigan sa panulat para magsilbing inspirasyon ko sa hangarin kong ito.

Maraming salamat po at more power.

Eduardo Hinabe

N206 B-1450 YRC Bldg.

MSC, Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Eduardo,

Dakila rin ang pagmamahal mo sa iyong kaba­bata. Ang payo lang ng pitak na ito, kasama ng mga hakbang mo para sa pagbabagong-buhay ay huwag mong kalilimutang dumalangin at humingi ng tawad sa Panginoon para magkaroon ka ng gabay.

Good luck sa iyo at salamat sa sulat mo.

Dr. Love

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DAKILA

DEAR EDUARDO

DR. LOVE

EDUARDO HINABE

IPINASABI

ISINUMPA

NANG

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with