Dear Dr. Love,
Kabilang po ako sa mga umiidolo sa inyo, sa malaganap ninyong column. Nakapiit po ako ngayon matapos makapatay, nang saklolohan ang akin ama na noo’y binubugbog ng mga tambay sa aming lugar.
Bago pa ang lahat nang ito, nakilala ko si Diane, na umaruga sa akin nang maaksidente sa dagat at magka-amnesia. Nang ako’y gumaling bumalik ako sa aking pamilya para ipabatid na buhay ako. Gusto ko rin alamin ang kalagayan ng aking nobya. Nag-asawa na pala siya sa pag-aakalang nasawi na ako sa aksidente. Nalulungkot po ako sa sinapit ng buhay ko, Dr. Love. Kumapit ako sa Panginoon at pinipilit na ituwid ang buhay ko dito sa loob. Payuhan po ninyo ako, Dr. Love. Dapat ko pa bang ipaalam kay Diane at sa dalawa naming anak ang nangyari sa akin?
Maraming salamat po sa inyo.
Gumagalanag,
Pedro Maitem
Maximum Compound
DPPF, Dapecol
Davao del Norte
Dear Pedro,
Nang umuwi ka sa inyo para ipaalam sa pamilya mo na buhay ka pa, namaalam ka na sa babaeng pinagkakautangan mo ng loob dahil sa pag-aalaga sa iyo. Gayunman may mga anak kayo kaya huwag mong ipagkait sa kanila na malaman ang kalagayan mo ngayon at kung maghihintay pa ba nila sa iyong pagbabalik.
Pagbutihin mo ang pagpapailalim sa rehabilitasyon para mapababa ng sentensiya mo.
Dr. Love