^

Dr. Love

In love sa may asawa

-

Dear Dr. Love,

Kumusta ka Dr. Love?

Matagal ko nang gustong lumiham sa iyo. Kaso busy ako sa aking office work.

 My name is Ricky and I work as a clerk in a bank.

Umiibig ako sa isang babaeng hindi na malaya. Kasama ko siya sa bankong pinagli­lingkuran ko.

Anim na buwan ko pa lang siyang kasama sa bankong pinaglilingkuran namin.

Noong una, akala ko ay isa siyang dalaga. At talaga namang mapagkakamalang dalaga dahil batambata ang hitsura niya at tila wala pang muwang sa pag-ibig.

Kaya pala, dalawang buwan pa lang silang kasal ng mister niya na nagpunta agad sa Amerika dahil American citizen.

Ipinagtapat niya ito sa akin nang ligawan ko siya. Sabi niya, under process na ang kanyang petisyon para sumunod sa Amerika.

Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil katabi ko siya sa office.

Ricky

 

Dear Ricky

Hindi lisensya ang pagmamahal para mahalin ang isang taong kasal na sa iba.

Kung magkaroon ka ng ugnayan sa kanya, ito’y mali sa mata ng Diyos at tao. May pananagutan kayo kapwa sa batas kung magkagayon.

Mahirap tanggapin pero wala kang magagawa kundi limutin siya at magmahal sa ibang malaya pa.

Just stop pursuing her dahil baka pati siya ay ibinubulid mo sa tukso na maging unfaithful sa kanyang kabiyak.

Dr. Love

vuukle comment

AMERIKA

DEAR RICKY

DIYOS

DR. LOVE

IPINAGTAPAT

KASAMA

KASO

KAYA

KUMUSTA

MAHIRAP

RICKY AND I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with