Kung kailan nawala

Dear Dr. Love,

May the blessings of God be with you and all PSN staff. Itago mo na lang ako sa pa­ngalang Zena. May kaibigan ako at tawagin mo na lang siyang Jim. I have known him for so long dahil kapitbahay namin siya.

Si Jim ay matanda sa akin ng limang taon. Sa isang okasyon na magkasama kami, nagpropose siya sa akin.

Ewan ko ba pero ang feeling ko ay parang niloloko lang niya ako kaya nagalit ako. Mula noon umiwas na ako sa kanya at hindi na rin siya pumupunta sa aming bahay.

Noong isang taon, umalis siya papun­tang Canada. Naputol ang aming ugnayan. 

Ano itong nararamdaman ko Dr. Love? Nami-miss ko siya. In love na kaya ako sa kanya?

Zena

Dear Zena

Kung may kaanak pa siya sa Pilipinas, I’m sure makatutulong sila para malaman mo ang address ng iyong kaibigan sa Canada.

Siguro, siya man ay nag-aalangang makipag-ugnay sa iyo dahil nagalit ka sa kanya. Puwede mo rin siyang hanapin sa mga social networking gaya ng facebook.

Siguro naman, kung magso-sorry ka ay ma­uunawaan ka niya sa ginawa mo dahil nga itinuring mo siyang parang kapatid subalit iyon pala ay may iba siyang layunin para sa iyo. Pero hindi mo rin namang puwe­deng ikagalit ito sa kanya dahil nagsasabi lang siya ng kanyang damdamin.

Dr. Love

Show comments