Nais magbagong buhay

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay binabati ko muna ang pabo­rito kong kolumnistang si Dr. Love. Itago mo na lang ako sa pangalang Gigi, 21 years old.

Sa edad kong ito ay malawak na ang kara­nasan ko sa pag-ibig. Nasa 15 anyos lang ako nang mawala ang aking pagkadalaga. Rape victim ako. Parang nawalan na ako ng respeto sa sarili kung kaya kung kani-kaninong lalaki na ako sumama.

Ang problema ko ay alam ito ng buo naming komunidad. Ibig ko nang magbago pero naging tipong bastusin na ako at hindi na ako iginagalang lalo na ng mga lalaki.

Pati mga lumiligaw sa akin ay ayaw ko nang pagkatiwalaan dahil baka lokohin lang ako. Ano ang dapat kong gawin?

Gigi

Dear Gigi,

Mahirap talaga ang iyong katayuan. Ang tanging magagawa mo lang ay himukin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan. Isang lugar na walang nakakakilala sa iyo ay doon mo muling ayusin ang iyong buhay.

Madalas ay malupit ang lipunan sa mga ba­baeng kagaya mo ngunit huwag kang masiraan ng loob. Magtiwala ka sa Dios at siya ang bahala­ng mangalaga sa iyo upang bigyan ka ng bagong kinabukasang maganda.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love

Show comments