^

Dr. Love

Suwerte sa pagkamapili

-

Dear Dr. Love,

At long last ay nakasulat din ako sa iyo Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Ising, 32 anyos na ako nang magpakasal sa aking kasintahan. Siya ay biktima ng polio at gumagamit ng saklay.

Tama pala ang matandang kasabihan. Huwag masyadong mapili at baka matapat sa bungi.

Ganyan kasi ako noong araw. Masyadong mapili sa mga manliligaw.

Lima ang naging boyfriend ko at lahat sila’y hindi nagtagal sa akin dahil nakapansin ako sa kanila ng hindi ko gusto.

Ngunit hindi ako nagsisisi. Mapagmahal ang asawa ko at guwapo. Magaling maghanapbuhay at maginhawa ang aking buhay at dalawa naming anak. ‘Yung nga lang, hindi maiwasan ‘yung makarinig ako ng mga pamimintas.

Hindi ako humihingi ng payo kundi gusto ko lang i-share ang aking love story. Salamat sa pagtatampok mo sa sulat ko.

Ising

 

Dear Ising,

Huwag mong ituring ang sarili mo na natapat sa “bungi” dahil masuwerte ka sa pagiging mapili.

Aanhin mo ang asawang kumpleto ang parte ng katawan pero iresponsable at hindi marunong magmahal nang tapat?

Sa kaso ng mister mo, maaari ngang naka-saklay siya pero uliran, mapagmahal at good provider sa kanyang pamilya. Ang masasabi ko lang, congratulations.

Dr. Love

 

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love

AANHIN

AKO

DEAR ISING

DR. LOVE

GANYAN

HUWAG

MAGALING

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with