^

Dr. Love

Kapit sa patalim

-

Dear Dr. Love,

Isang magandang araw po sa inyo pati sa mga kasamahan ninyo sa PSN.

Kabilang ako sa mga masugid na mam­babasa ng inyong pahayagan, lalo na ng inyong column.

Lumiham po ako para maibahagi ang masaklap na karanasan sa buhay at pag-ibig.

Mula ako sa mahirap na pamilya. Maagang pumanaw ang aking ama at hindi nagtagal ay nagbakasakali ang aking ina na makahanap ng katuwang sa pangalawa niyang asawa pero kalupitan ang aming natamo sa kanya.

Dahilan para maglayas ako at sa edad na 17-anyos ay nakilala ko si Ness. Sa kabila nang aking estado sa buhay ay ipinaglaban ni Ness ang aming pag-iibigan, na nagbunga.

Akala ko wala nang katapusan ang aming kaligayahan hanggang sa sumapit ang sandali nang kanyang panganganak. Mahina pala ang kanyang puso kaya nag-50/50 sa ospital.

Kinailangan siyang masalinan nang dugo na ayon sa doctor ay nangangailangan din nang malaking halaga. Sinubukan kong lapitan ang lahat nang inaakala kong makatutulong pero nabigo ako. At sa labis na kagustuhang mailigtas ang aking mag-ina nauwi ako sa pagkapit sa patalim.

Nagnakaw ako at ang perang nakuha ay agad na dinala sa ospital, pero hindi rin napakina­bangan. Dahil hindi rin nakaligtas si Ness pero buhay ang aming sanggol, na hindi ko na naga­wang masilayan dahil kinuha ng mga magu­lang ng aking asawa.

Agad ding dumating ang mga pulis para ako’y dakpin. Hindi ako nanlaban kaya heto’t nakapiit ngayon.

Dr. Love, masakit ang mawalan ng dala­wang pinakamamahal. Doble ang aking pag­sisisi.

Sa ngayon, nagsisikap akong makapag­patuloy ng pag-aaral dito para matamo ang karu­nungan na kinakailangan sa sandaling lumaya.

Nais ko rin pong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat. Nais kong makalimot sa kabiguan ko sa buhay.

Gumagalang,

Rogelio “Elio” Baril

Student Dorm YRC

Cell 4-A

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Elio,

Nakakaantig ng puso ang naging karanasan mo. Pero batid kong malinaw na sa iyo ang naging aral nito dahil humantong ka na sa pagsisisi.

Pagbutihin mo ang rehabilitasyon sa loob gayundin ang pag-aaral mo para sa iyong pag­labas ay may sandata ka sa panibagong pakiki­pagsapalaran sa buhay.

Maghanap ka ng marangal na trabaho saka mo hanapin ang iyong anak at ibigay sa kanya ang iyong pagmamahal bilang ama.

Good luck sa iyo.

Dr. Love

AKING

AKO

BARIL

DAHIL

DAHILAN

DEAR ELIO

DR. LOVE

ELIO

SHY

STUDENT DORM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with