^

Dr. Love

Paano magsisimulang muli?

-

Dear Dr. Love,

Isang masaganang pagbati sa inyo at sa lahat ng masusugid na mambabasa ng Pilipino Star Ngayon. Lumiham po ako para maibahagi ang kuwento ng pagkaunsiyami ng aking pag-ibig.

Nagsimula ang lahat nang magkamali ako ng desisyon sa buhay at makadisgrasya ng isang tao nang hindi sinasadya. Dahil sa kamaliang ito sa buhay, nagkahiwalay kami ng aking dating live-in partner. Tatlo po ang aming anak.

Nahihirapan na po ako at minsang sinu­bukan nang magpatiwakal. Pero ngayon ay pinagsisisihan ko ang lahat at inihain ang buhay ko sa Diyos. Ngayon ay nakapiit pa rin ako sa Navotas City Jail, matatapos na ang aking kaso. Hindi ko lang po alam kung ano ang magiging hatol sa akin ng korte. Pagkatapos nito, hindi ko rin po alam kung saan ako magsisimula uli.

Nais kong magkaroon ng mga kaibigan kaya sana mailathala ninyo ang liham kong ito. Maraming salamat po at more power to you.

Rudy Gonzales Jr.

Navotas City Jail

Navotas, Metro Manila

Dear Rudy,

Hindi pa huli ang pagbabago. Magtiwala ka sa Panginoon para makabangon sa kina­lugmukang buhay. Pagsilbihan mo ang hatol sa iyo ng korte at sikapin na mapa­ganda ang record mo sa piitan para maging kuwalipi­kado ka sa parole at commutation of sentence. Sa sandaling makalabas ka na, saka mo na lang alamin kung nasaan na ang iyong mga anak.

Dr. Love

vuukle comment

DAHIL

DEAR RUDY

DIYOS

DR. LOVE

ISANG

LUMIHAM

METRO MANILA

NAVOTAS CITY JAIL

PILIPINO STAR NGAYON

RUDY GONZALES JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with