^

Dr. Love

Naunsyaming pagpapakasal

-

Dear Dr. Love,

Una po sa lahat, nais kong batiin kayo ng isang magandang araw at nawa ay sumainyo ang lahat na pagpapala ng ating Poong Maykapal.

Ako po si Andrew, tubong Masbate City at isa sa masusugid na tagasubaybay ng sikat ninyong pahayagan. Sa ngayon, naririto ako sa Pambansang Bilangguan dahil sa nakagawa ako ng pagkakasala na hindi ko naman sinadya.

Mula sa probinsiya, lumuwas ako ng Maynila para makipagsapalaran. Gusto kong makaahon sa hirap, pero hindi ako pinalad.

Walang tumanggap sa akin sa trabaho dahil kulang ako sa pinag-aralan. Kaya ang napasok kong trabaho ay pagiging atleta sa larangan ng boksing.

Nagsumikap ako at nagtiyagang mag-ensayo hanggang sa makita nila ang aking potensyal. Hindi ko akalain na mayroon akong fan na magpapatibok sa aking puso.

Maganda si Apple at taglay niya ang lahat ng katangiang hinahanap ko sa isang babaeng makakasama sa buhay. Nagbabalak na kaming pakasal nang mangyari ang hindi inaasahan.

Na-promote ako noong Oktubre 5, 2001 at nakatakdang lumaban sa US nang dumalaw ako sa kanila, sa Atimonan, Quezon para maman­hikan. Binalak kong surpresahin si Apple pero ako ang labis na nabigla sa aking nakita... nakapatong sa kanya ang isang lalaki at kapwa sila hubad. Dahil sa labis na pagmamahal ay nagawa kong patawarin si Apple pero malabo na ang tungkol sa aming pagpapakasal.

Nagpaalam ako sa kanya at agad na umalis. Pagdating sa bus terminal ay inabangan na pala ako ng lalaking katalik ng aking nobya at mabilis na inundayan nang sunud-sunod na saksak. Nakailag ako at naagaw ang patalim na siyang ginamit ko para gumanti ng saksak na siya niyang ikinamatay.

Sumuko ako dahil batid ko ang aking pagkakamali. Nalulungkot ako sa nangyari sa aking buhay. Sana po, mabigyan niyo ako ng mga kaibigan sa panulat na makapagbibigay ng bagong inspirasyon sa buhay.

Gumagalang,

Andrew Alto

Bldg. 2 Dormitory 232

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Andrew,

Talagang kung hindi ukol, hindi bubukol. Hindi marahil kayo para sa isa’t isa ng girlfriend mo. Pero sa isang dako, mabuti na rin at nakilala mo ang tunay niyang karakas.

Ang naranasang pagtataksil ng iyong nobya ay iturin mong isang bahagi ng pakikipag­sapalaran sa buhay. Sikapin mong pagsisihan ang pag-utang mo ng buhay.

Nakalulungkot ding naunsiyami ang dapat sana’y labang pinaghahandaan mo noon sa larangan ng boksing.

Hindi pa naman huli ang lahat para sa iyo. Pagbutihin mo ang rehabilitasyon at pagpapa­unlad ng sarili mo habang nasa piitan para sa paglaya mo, magagamit mo itong puhunan sa pagpapanibagong tatag ng iyong buhay.

Good luck sa iyo at don’t forget to pray always­.

Dr. Love

AKO

ANDREW ALTO

CAMP SAMPAGUITA

DEAR ANDREW

DR. LOVE

MASBATE CITY

MUNTINLUPA CITY

PAMBANSANG BILANGGUAN

POONG MAYKAPAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with