^

Dr. Love

Sinagip ng mga tunay na kaibigan

-

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you and I wish you happiness and good health.

Tawagin mo na lang po akong Edgar, isang second year high school student sa pam­bansang bilangguan sa Muntinlupa.

Lumiham po ako sa inyo dahil nais kong ma­ilabas ang matinding kalungkutan ko at pagsa­sakripisyo dito sa loob dahil sa isang krimeng hindi ko po ginawa.

Bago po ako nakulong, mayroon po akong asawa at anak, pero nagkahiwalay na po kami mula nang ako ay makulong.

Kaya tuloy sa pamimighati ko sa nang­yaring ito sa aking buhay, malimit at ilang ulit kong pinagtangkaan na wakasan na ang aking buhay.

Salamat na lang po at mayroon akong mabubuting kaibigan dito sa loob na siyang pumigil sa akin sa mga pagtatangkang ito.

Tinuruan nila akong lumapit sa Panginoon at mamuhay ayon sa kalooban Niya.

Kailan po kaya matatapos ang aking paghi­hirap na ito? May magtitiwala pa kaya sa akin sa kabila ng lahat?

Payuhan po ninyo ako at sana, mailathala ninyo ang liham kong ito para magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.

Salamat po sa pang-unawa ninyo at more power to you.

Sincerely yours,

Edgar Laureta

Student Dorm

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Edgar,

Salamat sa liham mo at ipinaaabot ng pitak na ito, ang mataos naming pagnanais na sana’y mapaglabanan mo ang lahat ng tuksong dumarating sa buhay mo.

Salamat na lang at mayroon kang natag­puang mga tunay na kaibigan diyan na sumagip sa iyo sa gitna nang magulong pag-iisip. Huwag kang mawawalan ng tiwala sa Diyos at sa mga institusyong siyang dapat mong hilingan ng apela para mapawalang sala ka.

Hope for the best always.

Dr. Love

CAMP SAMPAGUITA

DEAR EDGAR

DIYOS

DR. LOVE

EDGAR LAURETA

HUWAG

KAILAN

KAYA

MUNTINLUPA CITY

STUDENT DORM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with