Insecure si Hilda

Dear Dr. Love,

Howdy Dr. Love, my favorite love advicer. Isa akong teenager na maagang nagka-boyfriend sa edad na 14. Tawagin mo na lang akong Hilda.

Varsity player sa aming school ang aking siyota. Matangkad, pogi at magaling sa basketball kaya maraming nagkakagusto.

Kaya kapag dinudumog siya ng ibang coeds. Ay nagseselos ako. Inaaway ko siya talaga. Gusto ko ay ako lang ang pagkaabalahan niya.

Kahit sinasabi niyang ako lang ang mahal niya ay nai-insecure ako. Minsan ay may inaway akong coed sa school. Kasi naman niyakap niya at hinalikan ang boyfriend ko.

Nasampal ko siya at dun kami nagsimulang magsabunutan. Pa­reho kaming na-office. Ano’ng gagawin ko para mawala ang aking insecurity?

Hilda

Dear Hilda,

Ikaw kasi, kumuha ka ng boyfriend na guwapo at sikat. That is the price you have to pay.

Hindi ka dapat ma-insecure kung sa dinami-dami ng magagandang babae sa inyong paaralan ay ikaw ang napili ng boyfriend mo. Dapat maging proud ka pa nga.

Okay ang pagseselos na nasa lugar. Pero kung sumusobra, deli­kado iyan. Nagbibigay iyan sa tao ng kahihiyan katulad ng ginawa mo sa isang fans ng siyota mo.

Alisin mo ang pagseselos na wala sa katuwiran. Kung hindi, baka mapuno ang siyota mo at iwanan ka.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nanga­ngailangan ng counseling, umug­nay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love

Show comments