Duda sa anak
Dear Dr. Love,
Hi and hello to you Dr. Love. I’ll be direct and to the point.
Just call me Dennis, 27 years old and married.
Ang problema ko ay tungkol sa aking kaisa-isang anak na one year old. Hindi ko kasi makita ang resemblance ko sa kanya kaya nagsimula akong magduda kung sa akin nga ang bata o baka anak sa ibang lalaki ng aking misis.
Actually mahal ko siya. Kaso napansin ko habang lumalaki, nagiging maputi ang kutis ng aking anak gayung pareho kaming kayumanggi ng aking misis.
Chinese looking at maputi ang bata gayung ako ay bumbayin. Kung minsan ay binibiro ko ang aking misis pero ang sinasabi niya ay napaglihan niya ang ka-opisina niyang may dugong Chinese.
Dapat ko ba siyang paniwalaan? Paano mawawala ang aking alinlangan?
Dennis
Dear Dennis,
DNA test lang ang makasasagot sa problema mo para makumpirma kung anak mo nga o hindi ang bata.
Pero hindi nangangahulugan na komo hindi mo kamukha ang bata ay hindi mo nga anak. Maaaring ikaw o ang iyong misis ay may lahing Chinese din mula pa sa iyong mga malayong kaanak.
Naniniwala rin ako sa lahi. Maaaring tama ang misis mo na may napaglihan siya kaya ganyan ang anyo ng inyong anak.
To be sure, ipa-DNA test mo ang anak mo.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. -Dr. Love
- Latest
- Trending