^

Dr. Love

Kissing cousin

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo Dr. Love. Abutan nawa kayo ng aking sulat na nasa mabuting kalusugan. Favorite­ column ko ang Dr. Love.

Kung puwede ay ikubli mo na lang ako sa isang alias. Tawagin mo na lang akong Meeny, 19 anyos.

Ang problema ko po ay ang relasyon ko sa aking first cousin. Anak siya sa second wife ng aking Uncle na kapatid ng aking mommy.

Balikbayan siya from USA at nagkita kami nang umuwi siya sa Pinas noong November last year.

Nagmamahalan kami at hindi alam ng mga parents­ namin ang aming relasyon. Dapat ba itong magpatuloy?

Meeny

Dear Meeny,

May blood relations kayo ng iyong tiyo kaya kadugo mo pa rin ang kanyang anak sa pangalawang asawa.

Hindi ko maipapayong ipagpatuloy ninyo ang ganyang relasyon dahil maraming kaso na ang nagkakapangasawahang magkadugo ay nagka­karoon ng abnormal na anak.

Kaya makabubuting ibaling ninyo na lang ang pag-ibig sa ibang hindi ninyo kaanak. Kalimutan ang sariling kapakanan at alalahanin ang magiging supling na siyang malamang magdusa.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

ABUTAN

ANAK

BALIKBAYAN

DAPAT

DEAR MEENY

DR. LOVE

KALIMUTAN

MEENY

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with