^

Dr. Love

Ipinagpalit sa iba

-

Dear Dr. Love,

Kamusta sa inyo at sa lahat ng tagasubaybay sa malaganap ninyong pahayagan.

Ako po si Roger G. Gargaritano ng Himamaylan, Negros Occidental. Lumiham po ako para magpa­tulong na makahanap ng lifetime partner, isang ba­baeng maaasahan, mapagkakatiwalaan at mapag­mahal.

Dapat nakapag-asawa na ako sa edad na 21 pero hindi po kami nakasal dahil siya ay menor-de-edad (16) taong gulang. Kaya minabuti naming magsama at nagkaanak kami.

Pero hindi rin kami nagkatuluyan dahil sumama siya sa ibang lalaki habang ako’y nagtatrabaho sa Saudi. Nalaman ko ang lahat nang ako’y magbalik-bayan. Kinuha ko ang aking anak sa biyenan kong hilaw at isinama papuntang Bacolod. Minabuti kong ipasok ang bata sa isang nursery na pinanga­ngasi­waan ng mga madre para ako ay makapag­trabaho sa Baguio City, dahil hindi na ako bumalik sa Saudi.

Sa ngayon, 50 anyos na ako. Inaamuki na ako ng aking pamilya na maghanap na nang mapapa­ngasawa. Dr. Love, umaasa po ako na hindi ninyo ako bibiguin. Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Roger Gargaritano

c/o Milagros Otod

ZC 6215 Purok 3 Barangay Jawa

Valencia, Negros Oriental

Dear Roger,

Pinupuri ka ng pitak na ito dahil hindi mo pinaba­yaan ang iyong anak sa kabila nang nangyari.

Ang sabi mo sa liham mo, mayroon kang magan­dang empleyo sa ngayon. Napatunayan mo rin na kahit pala dito sa bansa, puwede kang magtrabaho ng maganda dahil marami kang alam na trabaho.

Ang naging karanasan mo bilang OFW ay maka­pagbibigay din ng gabay kung ano ang karapatang dapat pangalagaan sa pagpirma ng kontrata sa pangingibang-bansa. Sana, matagpuan mo ang babaeng pinapangarap mong makasama habang buhay.

Dr. Love

AKO

BAGUIO CITY

BARANGAY JAWA

DEAR ROGER

DR. LOVE

MILAGROS OTOD

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS ORIENTAL

ROGER G

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with