^

Dr. Love

Sino ang mas matimbang?

-

Dear Dr. Love,

Bayaan mo na bumati muna ako sa iyo at sa libu-libong tagahanga at mambabasa ng Dr. Love column.

Sana ay mapagbigyan mong mailathala ang sulat ko dahil kailangan ko ang iyong payo.

Hindi ko na babanggitin ang totoo kong pangalan. Tawagin mo na lang ako’ng Randy, 31 anyos. Nagkaroon ako ng kasintahan noong araw. Mahal na mahal ko siya, she being my first love. Bigla na lamang siyang naglaho. Hinanap ko siya pero nabigo ako. Nabalitaan kong nag-abroad siya at nagpakasal sa isang German national.

May bago akong kasintahan ngayon. Mahal ko rin siya pero hindi katulad ng pag-ibig ko sa una. 

Nasorpresa ako dahil nakipagkita siya muli sa akin. Sabi niya’y naghiwalay na sila ng kanyang asawang German at nakikipagbalikan sa akin. Humingi rin siya ng tawad at pinatawad ko naman, pero pinag-iisipan ko kung tatanggapin ko pa siya o hindi. Kung ikaw ako, babalikan mo pa ba siya?

Randy

Dear Randy

Nasa sa iyo ang desisyon. Love is all that matters. Kung mahal mo siya talaga, bakit hindi? May kasabihang love is lovelier the second time around.

But of course, masasaktan ang kasintahan mo ngayon. Dalawang bagay ang dapat mong timbangin at tingnan mo kung ano ang matimbang sa iyo.

Hindi madali ang problema mo pero kailangan kang magdesisyon.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

vuukle comment

AKO

BAYAAN

BIGLA

DALAWANG

DEAR RANDY

DR. LOVE

HINANAP

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with