Forbidden game
Dear Dr. Love,
Hello and my warmest greetings to you and your legions of readers.
Just call me Marga, 25 years old, married and an avid reader of your column.
Sumulat ako sa iyo upang isangguni ang aking problema. I have been married without any children for almost five years.
Isang busy body ang aking mister being a businessman na walang inatupag kundi ang kanyang negosyo to the point of neglecting his obligations to me. He is already 47 years old.
Marahil dahil sa pangangailangan kong makadama ng pagmamahal, I found a guy who became my lover.
Six months na ang aming relasyon at katunayan, natsi-tsimis na kaming dalawa. Ewan ko kung may inkling na ang aking mister pero parang he doesn’t care at all. Dapat ko bang ipagpatuloy ang relasyong ito?
Marga
Dear Marga,
Dapat mong putulin because it is absolutely wrong. Kung mayroon kang problem sa iyong asawa, you can talk about it para maresolba ito.
Ang isang susi sa magandang relasyon ay ang pagkakaroon ng open line of communication. Sa inyong pag-uusap, open up your heart. Sabihin ang mga bagay na nagiging sagabal sa inyong pagsasama para ito ay ma-correct.
Trying to correct something wrong with another error is futile. Lalo lamang itong magpapalubha sa problema.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.
- Latest
- Trending