Mahal ko siya, iba ang mahal niy
Dear Dr. Love,
Hello at kumusta ka Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Rachell, 21 anyos.
Sumulat po ako sa inyo dahil sa aking problema sa pag-ibig. Mayroong nanliligaw sa akin na hindi ko gusto. Mayroon naman akong gustong-gusto pero iba ang niligawan at ngayon ay magkasintahan na sila.
Ginawa ko na ang lahat para mapansin niya ako pero wa-epek. Bakit kaya ganoon? Kung sino ang mahal mo ay ayaw sa iyo habang ang inaayawan mo ay pilit na nanliligaw.
Masama ba kung ako na ang magtatapat sa kanya kahit mayroon na siyang kasintahan.
Tulungan mo ako Dr. Love.
Rachell
Dear Rachell,
Kailan man ay hindi maganda sa babae ang manliligaw sa lalaki. At lalung pangit na ikaw ay nang-aagaw ng pag-ibig sa iba. You make yourself very cheap and without dignity.
Dapat mong harapin ang katotohan na walang gusto sa iyo ang lalaking iyon.
Kung patulan ka man niya dahil sa iyong persistence, malamang ay paglalaruan ka lang niya. Kasi, pinabababa mo ang iyong dangal.
Ang babae’y may dignidad na dapat pangalagaan.
Sa gulang mo ngayon, may isip ka na at talino para malaman na ang panliligaw ng babae sa lalaki ay kawalan ng mabuting asal.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love
- Latest
- Trending