Hindi na natupad ang pangako

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat, lalo na sa inyo.

Isa po akong masugid na taga­hanga ng inyong column.

Tawagin na lang po ninyo akong Ronely Soberano, isang inmate dito sa pamban­sang pi­itan at ang pagkakapiit ko dito ang siyang dahilan kung bakit hindi ko natupad ang pangakong pagbabalik sa isang babaeng minamahal.

Bagong pasok ako sa bi­langguan, taong 2000, ako po ay namamasukan bilang peryante, o tauhan sa perya.

Sa pagpapalabas namin sa siyudad ng Olongapo, noon ko nakilala ang babaeng nagpa­tibok sa aking puso na tawagin na lang natin sa pangalang “Jemma.”

Naging magkaibigan kami at naging close din ako maging sa kanyang pamilya. Gabi-gabi pagkatapos ng aming operation, nagkikita kami sa aming tagpuan ni Jemma sa may tulay.

Hanggang sa dumating ang pag-alis namin sa Olongapo City para lumipat sa ibang lugar. Ipinangako kay Jemma na ba­ba­likan ko siya pero hindi ko na­tupad ang pangakong ito, Dr. Love.

Nakulong kasi ako dahil nadamay at siyang idiniin sa aku­sasyon laban sa aking barkada sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa. Ngayon ay kinalimutan na ako ng aking mga magulang at kaibigan. Napakalungkot nang nangya­ring ito sa aking buhay.

Ang hangad ko po, mag­karoon ako ng mga kaibigan sa panulat para mabawasan ang aking pangungulila. Sana’y mapag­bigyan ninyo ako na mailathala ang sulat na ito.

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Ronely Soberano

 

Dear Ronely,

Mahirap talaga ang mabi­langgo lalo na’t ang sabi mo, nadamay ka lang sa aktibidad ng barkada at ikaw pa ang nadiin. Hindi ka ba kumuha ng abogado nang litisin ang kaso?

Sana rin, kahit na hindi mo na­tupad ang pa­ngako kay Jemma, lumiham ka man lang at ipaliwanag mo ang buong pangyayari.

Pagbutihin mo ang pagpa­pailalim sa reha­bilitasyon para mapababa ang sen­tensiya mo o kaya ay mabigyan ka ng parole.

Sa sandaling makalaya ka, sana’y hindi na maulit pa ang pagsama mo sa barkadang nagdiin sa iyo sa kaso.

Dr. Love

Show comments