Bawal na pag-ibig
Dear Dr. Love,
A very pleasant day to you and your legions of readers ng iyong kolum Dr. Love. Palagi akong nagbabasa sa iyong kolum at hindi kumpleto ang araw naming mag-anak kung walang PSN.
Ngayon, kasama na rin ako sa mga humihingi ng payo mula sa iyo. Ito na marahil ang pinakamabigat na naging problema ko at ilang araw na akong hindi makatulog.
Ikubli mo na lang ako sa pangalang Erwin.
Nagkaroon ako ng relasyon sa mismong kapatid ng aking misis. Tatlong taon na kaming kasal ng misis ko at ilang buwan na ang nakararaan, magmula nang lumuwas ng Maynila ang aking hipag ay na-develop kami sa isa’t isa. Hiniwalayan niya ang kanyang asawa na nasa probinsya dahil babaero daw.
Ngayo’y nako-konsensya ako. Hindi ko alam kung papaano tatapusin ang aming relasyon. Tulungan mo ako.
Erwin
Dear Erwin,
Tingin ko ay hindi pa malalim ang inyong relasyon dahil kamakailan lang nag-umpisa. Natitiyak ko na kapwa lang kayo natukso at puwede pang ituwid ang pagkakamali.
I’m sure papayag siyang wakasan ang inyong bawal na relasyon dahil kapatid niya ang apektado.
Huwag n’yo nang hayaang lumalim nang lumalim ang inyong napasimulan. Walang magandang ibubunga iyan kundi pagkawasak, hindi lamang ng inyong pagsasama ng iyong asawa kundi pagkasira din ng isang pamilya.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.
- Latest
- Trending