Tapat na babae, kaliweteng lalaki

Dear Dr. Love,

Kumusta Dr. Love at isang mapayapang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Trina, 29 anyos at may asawa’t dalawang anak.

Naging tapat ako sa mister ko at bagama’t isa akong working mother dahil gusto kong makatulong sa paghahanap-buhay, hindi ako napatangay sa mga tukso sa aking paligid. Hindi mo naitatanong, maganda ako at marami ang aali-aligid sa akin kahit may asawa na ako.

Ang hindi ko matanggap ay hindi sinusuklian ng asawa ko ang aking faithfulness. Marami siyang babae. Totoong hindi siya nagkukulang sa sustento sa pamilya pero hindi sapat ‘yon para sa akin.

Kung minsan, ini-entertain ko ang thought na gumanti sa kanya. Paano magbabago ang kanyang ugali?

Trina

Dear Trina,

Hindi kaya kulang kayo sa komunikasyon? Bakit hindi mo siya kausapin nang masinsinan tungkol sa kanyang pambababae?

Tanungin mo siya kung ano pa ang kulang na dapat mong punuan para maging tapat siya sa iyo. Lakipan mo rin ng taimtim na panalangin na tulungan ka ng Diyos na malutas ang problemang pinapasan mo.

Kung tutuusin, ang marital infidelity ay isang ground para pawalang bisa ang kasal. Pero hanggang may ibang paraan para maisalba ang kasal ay sikapin mong gawin.

Pero huwag kang mahuhulog sa tukso. May kasabihang hindi puwedeng ituwid ng isa pang pagkakamali ang isang mali.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

Show comments