^

Dr. Love

Masakit tanggapin ang pamamaalam

-

Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw sa inyong lahat na bumubuo ng Pilipino Star Ngayon lalo na sa inyo Dr. Love.

Kabilang po ako sa libu-libong tagasubaybay ng iyong pitak at halos araw-araw nagbabasa ako ng inyong malaganap na pahayagan.

Kaya naisipan kong magpadala ng liham sa inyo para maibahagi rin ang kuwento ng aking pag-ibig upang mapagkalooban ninyo ng tamang payo.

Alam po ninyo, kahihiwalay lang namin ng aking kasintahang si Marie at hanggang ngayon, gulung-gulo pa ang aking isip dahil hindi ko lubos na matanggap ang aming paghihiwalay.

Sobra po akong naapektuhan nang makipagkalas ang kasintahan ko dahil mahal na mahal ko siya.

Noon, sumumpa siyang mamahalin niya ako hanggang wakas at nangangarap na kami kapwa ng isang masayang pamilya.

Pero ang pangarap na ito ay gumuhong lahat dahil sa isang mabigat na pagsubok na dumating sa aking buhay.

Taong 2007 noon, Mayo 13. May kaaway ang aking pinsan at pinagsasaksak siya nito. Maagap akong namagitan pero ako naman ang hinarap ng kanyang kaaway at pinagsasaksak din niya ako.

Wala akong magawa kundi ipagtanggol ang sarili sa tiyak na kamatayan.

At sa pagdedepensang ito sa sarili nadisgrasya ko ang kagalit ng pinsan ko.

Kaya nga heto ako, nakakulong sa San Mateo Jail Rizal.

Noong una, panay ang dalaw sa akin ng girlfriend kong si Marie. Kaya hindi ko inakala na darating ang araw na magpapaalam siya sa akin dahil suko na siya sa hiwalay naming kalagayan.

Kaya nga noong huling pagdalaw niya sa akin at sinabi niyang hirap na hirap na siya at gusto na niyang sumuko, hindi ko mapigil ang pagtulo ng aking luha.

Sinabi niya sa akin na maghihintay na lamang siya sa aking paglaya.

Wala po akong nagawa. Ayaw ko man na lumayo siya sa akin, pero wala akong lakas ng loob na pigilan siya. Wala akong maipangakong araw kung kailan ako lalaya. Mula noon, nawalan na kami ng komunikasyon.

Masakit talaga ang nangyari sa aming pag-ibig. Napagtanto ko na ang pinakamasakit pala sa lahat na bahagi ng buhay ay ang magpaalam ang isang minamahal, na lalayo na muna siya.

Kaya po sana, mabigyan ninyo ng pagkakataong ma­ilathala ang liham kong ito para magkaroon ako ng mara­ming kaibigan sa panulat at malimutan ko ang kasawian ko sa pag-ibig.

Sana rin po, mapagpayuhan niyo ako kung paano makalimot.

Maraming maraming salamat po at more power to you.

Salvador Giray

c/o Alvin Miranda

Green Feild

AMPID 1’

San Mateo, Rizal

 

Dear Salvador,

Talagang mahirap panghawakan ang mga pangako maliban lang kung kontrolado mo ang sitwasyon.

Nagsumpaan kayo ng dati mong nobya na magmamahalan hanggang wakas pero sa sandaling ang pangsariling interes ang masasakripisyo, nakakalimot na sa binitiwang sumpa.

Huwag mo nang masyadong ikalumbay ang nangya­ring ito. Marahil, dumating ang pagsubok na ito sa buhay mo para makilala mo ang tunay na mukha ng pag-ibig ng nobya mo.

Huwag mo na ring panghinayangan ang panahong ginugol mo sa pagmamahal sa kanya. Talagang ganyan ang pag-ibig, Kanin ngang isusubo, nahuhulog pa, hindi ba?

Tatagan mo na lang ang damdamin mo, pagbutihin ang rehabilitasyon sa piitan at sikaping ganap na pagsisihan ang nagawang kamalian.

Makakatagpo ka pa naman ng iba na magmamahal sa iyo nang ganap at walang pasubali.

Huwag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Sikapin mong makabangon sa kinadapaan.

Dr. Love

AKING

AKO

ALVIN MIRANDA

DEAR SALVADOR

DR. LOVE

GREEN FEILD

HUWAG

KAYA

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with