Dear Dr. Love,
Hello sa iyo at sa lahat ng avid readers ng iyong kolum Dr. Love. Palagi akong sumusubaybay sa iyong kolum na paborito rin ng aking mga kaanak sa aming tahanan.
Little did I know na susulat din pala ako sa iyo for advice. Napakaselan ng problema ko at ilang araw na akong di pinapatulog. Huwag mo nang ilathala ang buo kong pangalan. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Roy.
Ang problema ko ay nakabuntis ako ng isang 15-anyos na dalaga. Kasintahan ko siya pero hindi ako nagtapat na ako’y may asawa na at isang anak.
Malaking problema ko ngayon ito dahil magdadalawang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis.
Hindi pa rin ito alam ng parents niya. Ang payo sa akin ng mga kabarkada ko ay ipalaglag ang sanggol pero natatakot ako.
Ano ang gagawin ko?
Roy
Dear Roy,
Delikado ka nga. May kasabihan ang mga Pilipino na “sungay mo sunong mo, buntot mo hila mo.”
Ibig sabihin, harapin mo ang responsibilidad sa problemang iyan. Hindi puwedeng ilihim iyan habang buhay. Hindi ko maipapayo ang pagpapalaglag sa sanggol dahil buhay ang iyong kikitlin.
Magpakalalaki ka at dahil hindi mo puwedeng pakasalan ang menor-de-edad na kasintahan mo, mangako ka na susustentuhan mo ang bata. Pero ang kakausapin mo riyan ay ang mga magulang niya.
Kung ihahabla ka ng kanyang mga magulang sa kasong “statutory rape” wala kang magagawa kundi kumuha ng magaling na abogado.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.