^

Dr. Love

Nakabuntis

-

Dear Dr. Love,

Hello sa iyo at sa lahat ng avid readers ng iyong kolum Dr. Love. Palagi akong sumusu­baybay sa iyong kolum na paborito rin ng aking mga kaanak sa aming tahanan.

Little did I know na susulat din pala ako sa iyo for advice. Napakaselan ng problema ko at ilang araw na akong di pinapatulog. Huwag mo nang ilathala ang buo kong pangalan. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Roy.

Ang problema ko ay nakabuntis ako ng isang 15-anyos na dalaga. Kasintahan ko siya pero hindi ako nagtapat na ako’y may asawa na at isang anak.

Malaking problema ko ngayon ito dahil mag­dadalawang buwan na ang kanyang ipinag­bubuntis.

Hindi pa rin ito alam ng parents niya. Ang payo sa akin ng mga kabarkada ko ay ipalaglag ang sanggol pero natatakot ako.

Ano ang gagawin ko?

Roy

Dear Roy,

Delikado ka nga. May kasabihan ang mga Pilipino na “sungay mo sunong mo, buntot mo hila mo.”

Ibig sabihin, harapin mo ang responsibi­lidad sa problemang iyan. Hindi puwedeng ilihim iyan habang buhay. Hindi ko maipa­payo ang pagpapalaglag sa sanggol dahil buhay ang iyong kikitlin.

Magpakalalaki ka at dahil hindi mo puwe­deng pakasalan ang menor-de-edad na kasin­tahan mo, mangako ka na sususten­tuhan mo ang bata. Pero ang kakausapin mo riyan ay ang mga magulang niya.

Kung ihahabla ka ng kanyang mga magu­lang sa kasong “statutory rape” wala kang magagawa kundi kumuha ng magaling na abogado.

 Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR ROY

DELIKADO

DR. LOVE

HUWAG

IBIG

IKUBLI

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with