Tibo si Misis?

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo Dr. Love. Please don’t reveal my identity. Itago mo na lang ako sa pangalang Nards 40 anyos. May kinalaman ang problema ko sa aking asawa na hinihinala kong may kinalolokohang babae. Hindi mo naitatanong, nang ligawan ko ang misis ko ten years ago, isa siyang t-bird.

Hindi naman siguro 100 percent ang kanyang pagka-tomboy dahil napasagot ko siya. Nagustuhan ko siya dahil makinis ang kanyang balat at maganda. Kaya nga lang ay may pagka-tibo kung umasta.

Ngayo’y madalas siyang naaatraso ng dating mula sa kanyang trabaho. Hindi mo naitatanong, working housewife siya. Ang aming dalawang anak ay iniiwan naming sa aming mga magulang at sinusundo ko pagkatapos ng trabaho.

Nalaman ko na may isa siyang officemate na very close sa kanya na lagi niyang kasama.

Totoo kaya ang hinala ko na may relasyon siya sa babae?

Nards

 

Dear Nards,

Wala ako sa lugar para humusga. Pero maaaring close friend lang niya ang babaeng ‘yun. Huwag kang agad hahatol. Magsiyasat ka. Kausapin mo siya.

Mabuti nga at babae ang kanyang kasama at hindi lalaki. Pero kung may lesbian relationship sila, mali pa rin. Kaya mag-imbestiga ka at kung may problema, pag-usapan ninyo nang masinsinan.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. -Dr. Love

Show comments